Maski hindi Valentine's Day nagpamudmod ang Malakanyang ng Valentine's package na may lamang five hundred pesos, tatlong latang sardinas, at isang torotot na kapag hinipan mo ay nagsasabing I love you, love mo din ba ako? Ang fatigue na uniform ng army ay ginawang pink para daw mapalapit sa sambayanan.

Ricky Lee


Go to quote


Me quota ang pag-ibig. Sa bawat limang umiibig, isa lang ang magiging maligaya. Ang iba, iibig sa di sila iniibig. Iibig nang di natututo. O iibig sa wala. O di iibig kailanman.

Ricky Lee

Tags: love filipino



Go to quote


Iniisip ni Lucas kung gaano kalaki ang kapangyarihan ng isang writer. Sa pamamagitan ng mga salita ay kaya niyang patigilin ang dyip, ilabas ang lihim ng mga pasahero, pabuhusin ang ulan upang linisin ang mga basura sa palibot, ikulong ang mga opisyal na corrupt at tuluyang i-delete sa bansa ang kahirapan.

Ricky Lee

Tags: writing manunulat pagsusulat



Go to quote


Hindi mo pwedeng mahalin ang isang tao nang hindi mo minamahal ang hilaga, silangan, timog at kanluran ng kanyang paniniwala. Kapag nagmahal ka’y dapat mong tanggapin bawat letra ng kanyang birth certificate. Kasama na doon ang kanyang libag, utot at bad breath. Pero me limit. Pantay-pantay ang ibinibigay na karapatan sa lahat ng tao upang lumigaya, o masaktan, o magpakagago, pero kapag sumara na ang mga pinto, nawasak na ang mga puso, nawala na ang mga kaluluwa at ang bilang ay umabot na sa zero, goodbye na. Pero, the memory of that one great but broken love will still sustain you, tama nga na mas matindi ang mga alaala.

Ricky Lee

Tags: love memory great-love alaala broken-love



Go to quote


Kakabog ang dibdib mo, kikiligin ang kalamnan mo at kikirot ang puso mo. Kabog, kilig, kirot. Kapag naramdaman mo ang tatlong K, umiibig ka.

Ricky Lee

Tags: love pag-ibig k kabog kilig kirot puso



Go to quote


Ang great love mo, hindi mo makakatuluyan. Ang makakatuluyan mo ay yung correct love.

Ricky Lee

Tags: love pag-ibig correct-love great-love



Go to quote


Alam nyo namang hindi tayo totoo. Gawa lang tayo sa mga letra!

Ricky Lee


Go to quote


Mas matinding nakakaalala ang puso kaysa utak.

Ricky Lee


Go to quote


Hindi mo pwedeng mahalin ang isang tao nang hindi mo minamahal ang hilaga, silangan, timog at kanluran ng kanyang mga paniniwala. Kapag nagmahal ka'y dapat mong tanggapin bawat letra ng kanyang birth certificate. Kasama na doon ang kanyang libag, utot at bad breath.

Ricky Lee

Tags: para-kay-b ricky-lee



Go to quote


Pantay-pantay ang ibinibigay na karapatan sa lahat ng tao upang lumigaya o masaktan o magpakagago pero kapag sumara na ang mga pinto, nawasak na ang mga puso at ang bilang ay umabot na sa zero, goodbye na.

Ricky Lee

Tags: para-kay-b ricky-lee



Go to quote



Page 1 of 3.
next last »

©gutesprueche.com

Data privacy

Imprint
Contact
Wir benutzen Cookies

Diese Website verwendet Cookies, um Ihnen die bestmögliche Funktionalität bieten zu können.

OK Ich lehne Cookies ab