Parang "Time's Up!" ang reunion,"pass your papers finished or not!" Oras na para husgahan kung naging sino ka...o kung naging magkano ka. Sino ang naging successful? Sino ang naging pinaka-successful?

Bob Ong

Tag: pinoy



Vai alla citazione


Nalaman kong maswerte ako dahil pinaglaro at pinag-aral ako ng magulang ko nung bata pa 'ko. Hindi pala lahat ng bata e dumaraan sa kamusmusan.

Bob Ong


Vai alla citazione


Nalaman kong hindi pala exam na may passing rate ang buhay. Hindi ito multiple choice, identification, true or false, enumeration, o fill-in-the-blanks na sinasagutan, kundi essay na isinusulat araw-araw. Huhusgahan ito hindi base sa kung tama o mali ang sagot, kundi base sa kung may kabuluhan ang mga naisulat o wala. Allowed ang erasures.

Bob Ong


Vai alla citazione


Mas madaling manahimik. Mas ligtas magtago ng opinyon. Mas kumportableng hindi magsalita. Pero may mga tao noon na hindi nakuntento sa mga "mas" na yan.

Bob Ong


Vai alla citazione


Dahil sa pagsusulat, masasagi mo ang mga matatayog na egotismo ng ibang tao. Matatapakan mo ang mga lumpong paa ng kasalukuyang sistema. At maiistorbo mo ang siesta ng lipunang masaya na sa mga paniniwalang kinagisnan nito. Sa pagpahid ng utak mo sa papel, lahat yan babanggain mo. Kasabay ng pagbangga mo sa sariling mga takot, kamangmangan at egotismo.

Bob Ong


Vai alla citazione


Tungkulin mong tumulong sa kapwa dahil may kakayahan ka at gusto mong tumulong pero wag mong kalimutan na hindi mo mababago ang mundo at hindi mo matutulungan ang lahat ng tao. Hindi ikaw ang unang nagtangka hindi ikaw ang magiging huli hindi ka solusyon. Pero hindi yun ang dahilan para mawalan ka ng pag-asa at tumigil na magbigay nito. Mang Ernesto: Kapitan Sino by Bob Ong

Bob Ong


Vai alla citazione


Naniniwala ako na kung wala kang nagagawa sa kinatatayuan mo ngayon wala ka ring magagawa sa kung saan mo man gusto magpunta.

Bob Ong


Vai alla citazione


...madaming teacher sa labas ng eskwelahan. desisyon mo kung kanino ka magpapaturo.

Bob Ong

Tag: life education learning



Mostra la citazione in tedesco

Mostra la citazione in francese

Mostra la citazione in italiano

Vai alla citazione


Lahat ng mga salitang yan may dating sa'yo. Sabi kasi ng isip mo.

Bob Ong

Tag: words mind assumptions impact



Mostra la citazione in tedesco

Mostra la citazione in francese

Mostra la citazione in italiano

Vai alla citazione


MARAMI ANG MAY AYAW SA PILIPINAS, PERO WALANG NAGTATANONG KUNG GUSTO SILA NG PILIPINAS

Bob Ong

Tag: nationalism



Vai alla citazione


« prima precedente
Pagina 3 di 8.
prossimo ultimo »

©gutesprueche.com

Data privacy

Imprint
Contact
Wir benutzen Cookies

Diese Website verwendet Cookies, um Ihnen die bestmögliche Funktionalität bieten zu können.

OK Ich lehne Cookies ab